SAMANTHA Hindi ako kinausap ng anak ko simula ng pumasok ito sa silid niya. Hindi rin kumain ng hapunan kahit anong pilit ko maging ng yaya nito dahil galit talaga siya sa akin. Nag-aalala ako lalona at hindi naman matampuhin na gaya nito si Sabrina. Talagang nasaktan siya matapos malaman na wala na naman ang ama. Lalo siguro siyang magagalit sa akin kapag sinabi ko na pinalayas at pinagtabuyan ko ang daddy niya kaya wala ito ngayon dito ngayon sa bahay ko. Maging ako ay nahihirapan. Ayaw kong nakikita na ganito ang anak ko pero natatakot ako sa posibleng mangyari lalo na at baka dumating ang araw na iiyak siya kapag nasaktan na naman kami ng ama niya. Gusto kong protektahan si Sabrina pero along the way ay nasasaktan at umiiyak rin ang anak ko. Mahirap maging ina at ama sa anak na m