SAMANTHA Hindi pa ako tapos magsuklay ng buhok ko matapos mag-spray ng favorite perfume at apply ng lotion sa buong katawan ko ng lumabas si Dale sa banyo na nakatapis lang ng puting tuwalya sa bewang nito. Napalunok ako ng sariling laway na nakatitig habang marahan siyang humahakbang palapit sa akin na akala mo leon na sinisipat at pinag-aaralan kung paanong atake ang gagawin sa hapunan nito. "Ready ka na ba wife?" tanong nito na hindi inalis ang matiim na titig sa mga mata ko ng makalapit sa akin. Bumaba ang paningin ko sa leeg nito hanggang sa umangat ang kamay ko at dahan-dahan na pinaglandas ko ang daliri ko mula sa balikat niya pababa sa dibdib hanggang sa dumako ito sa bahagi na tinamaan siya ng bala. "Masakit pa ba ito?" marahang tanong ko. "No, pero may masakit sa akin simu