Chapter 23 "Sa mga may asawa at anak na, kailan niyo nalaman na handa na pala kayong magkaanak? Nalalaman ba ito o nararamdaman? Nasusukat ba ito sa edad o estado ng buhay?" Lara NAGISING ako nang biglang gumalaw si Leo sa tabi ko. Nangangawit na raw ang kamay niya dahil inunan ko ito nang makatulog ako kanina. Tumagilid siya at niyakap niya ako. Hinimas himas niya pa ang likod ko saka niya hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Kumusta na?" tanong niya. Nanlalata pa rin ang boses niya dahil sa antok. "Medyo maayos na ako. Masakit lang ng konti yung," di ko maituloy. Masakit ang singit ko. Sa totoo lang. Halos nahihirapan ako maglakad dahil dito. Pero mas okay na ngayon kaysa kanina. "Anong masakit?" tanong niya saka niya ako tiningnan. Nahihiya ako. "Masakit ang hita ko," sa