"MA'AM, mukhang nagmamasid na rin ang nasa kabilang bahay ah." Pukaw ng nasa uno kay Darlene na abala sa pagkakalikot sa hawak na gitara. Sa kanilang angkan, siya ang mismong nakakuha sa talento ng abuelo na si Great-grandpa Art. Lahat na yata ng instrumento ay kaya niyang galawin kahit pa sabihing lahat naman sila ay musically inclined. Ang pinakapaborito niya sa lahat ay ang gitarang regalo na rin sa kaniya ng may edad na ring si Grandpa Art. "Bakit mo naman nasabi iyan, kuya?" balik-tanong ng dalaga pero ang atensiyon ay nasa gitara pa rin. "Ayan siya, Ma'am, oh. Halika rito at ng makita mo," sagot ng nasa ikalawang monitor. Kahit may iba siyang pinagkakaabalahan kung ang binabantayan nila ang sangkot agad niya itong itinitigil. Kagaya sa oras na iyon, itinigil niya ang daliri sa