Kinuha ko iyong paper bag at dinala sa labas. "Oh, akala ko ba bibigyan mo na sila?" "Ayaw kong bigyan iyong babaeng iyon." "Ikaw talaga. Mag-aral na lang kasi tayo. Hayaan mo sila. Baka mamaya makahalata pa si Kuya. Mas maganda na hindi niya alam na may gusto ka sa kaniya." "Paano naman niya ako mapapansin kapag hindi niya nalaman na gusto ko siya? E di, mas lalong wala akong pag-asa." "Hindi dapat tayo ang naghahabol sa lalake, Amelia. Nagka-boyfriend ka na ba sa Manila?" Umiling ako. "Hindi pa. Suitors lang." "Wala kang lalakeng nagustuhan na gaya ng pagkagusto mo kay Kuya?" "Wala. Kasi wala naman sa isip ko ang bagay na iyon." "Iyon naman pala, e. Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo. You're not even eighteen. Menor de edad ka pa, kaya mas malabong mapansin ka ni Kuya at ma