Russel's POV Pabagsak akong umupo sa kama ng makapasok sa sariling kwarto namin mag-asawa dito sa mansion. Kasama ko si nanay Leta dala niya si Royal. Medyo nahilo ako ng kaunti. Uminom kasi ako ng kaunti kaya hindi muna mag breast milk sa akin si Royal. "Ma'am, ilalabas ko lang po muna si Royal mukhang hindi pa siya matutulog eh!" paalam ni nanay Leta sa akin. "Sige po, nay, Leta. Medyo nahihilo lang po ako ng kaunti. Hihiga lang muna ako sandali. Kukunin ko rin si Royal mamaya." sagot ko at pabalang na humiga sa malambot na kama. Narinig ko naman ang pagsarado ni nanay Leta ng pinto tsaka ko itinaas ang kamay ko at isinandal sa akin noo. Naipikit ko na ang aking mga mata nang maalala ko si Edrick. Sino kaya yung mga dumating kanina? Wala pa si Edrick nasa ibaba pa, inaasikaso pa an