"Kuya! Kuya!" Isinarado niya uli ang pinto ng kotse para harapin ang kaniyang kapatid. Kagagaling lang niya sa Los Ojos para bisitahin ang abuelo para tanungin ito sa estado ng aplikasyon niya at hindi niya akalain na madadatnan niya roon si Cahil. "Can you please stop this? Please naman kuya! Sumuko ka na. Wala kang laban kay Kuya Luca," agad na sabi nito nang makalapit. His eyes crinkled at the corners before breaking up into an empty laugh. "Wala ka bang tiwala sa akin, Cahil? I can do it ano ka ba. Just trust me, okay? Sige na. You go home. Naghihintay na si mama sa iyo sa bahay," he said dismissively. Ginulo niya ang buhok nito at binuksan uli ang pinto ng sasakyan pero iniharang nito ang sarili sa pagitan para hindi siya makaalis. "I trust you but I don't trust Kuya Luca. Ma