May anino sa dilim na umaaligid sa bahay ni Langdon. Nagbabaga ang mga mata nito habang nakatitig sa lasing at walang malay na lalake na lupaypay na nasa sahig. Katabi nito ang mga wala ng laman na bote ng alak at mga upos ng sigarilyo. Sa may paanan nito ang ashtray na puno ng abo.
Lumuhod ang lalake kay Langdon at inilabas ang matalas na kutsilyo nito. He traced his neck using the blade.
"I would really love to kill you with my knife at this instant. Pero makapaghihintay ang laruan ko sa iyo. Maghintay ka muna, Asturia. Babalikan din kita. Sa ngayon ay ihahanda ko muna ang pinakamasahol na regalo ko para sa iyo at sa pamilya mo."
"Nathan, halika na. Nakuha ko na ang lahat ng mga gamit ni Cin."
Lumingon si Nathan kay Lucindra na hawak ang maleta ng kapatid. He stood up and circled the man on the floor.
"Nate, don't even think about it. Hindi pa sa ngayon. Come on, umalis na tayo bago pa iyan magising."
"Mauna ka na, Lucy. Don't worry. I won't kill him now. Not yet."
"Bahala ka. I'll be in the car."
Naiwan si Nathan kasama ang walang malay na lalake. Umupo siya katabi ito at dumampot ng isang sigarilyo mula sa mga nagkalat sa sahig. He lit it up while his wandering eyes focused on Langdon's hand.
"How heartless of you to kill my one and only sister, Asturia." He held the knife in his hand. "You can keep your head for now but I won't leave without a memento."
Kinuha nito ang kamay ni Langdon saka buong panggigigil na pinutol ang hinlalaki nito. Sumirit ang dugo patungo sa mukha ni Nathan. Kasabay ng pag-ungol ni Langdon sa sakit ay ang pagduldol niya sa nakasinding sigarilyo sa mismong sugat. Langdon screamed in pain but did not fully wake up.
Nakangising tumayo si Nathan at humitit sa sigarilyo bago ito itinapon sa binatang unti-unti nang nagigising. Pinahid niya ang dugo gamit ang damit saka pinulot ang putol na daliri at ibinulsa. Lumabas siya ng bahay na ipinapahid ang dumikit na dugo sa pantalon. Lucy is in the car looking at him through the opened window while shaking her head.
Bago sumakay sa kotse ay sinagot muna ni Nathan ang tumatawag sa kaniya. Pagbaba niya ng cellphone ay nilingon niya ang madilim na kabahayan.
"You'll definitely love my gift for you, Asturia."
Nathan snorted and spat at the ground. Langdon wanted to have Casindra alive, so alive will she be.