"WHO are you and why do you have Casindra's face?" tanong niya sa tinitimping boses. Nanginginig sa galit ang mga kamay niya at kung hindi niya pipigilan ang sarili ay baka mabasag niya kaagad ang ulo nito. Itinikom nito ang bibig at itinaas ang mga kamay sa ere. "Oh shoot. You busted me already! Akala ko pa naman ay ang galing galing ko nang umarte. Sorry." Bumalik sa utak niya ang sinabi ni Lucy kanina. "Let me tell you one thing to save you more time. Cas has long been dead. Kung sinuman iyang Cas na kausap mo ay isa iyang impostor. Whoever presents herself to be her is an imposter." So this woman right here who has Cas' face is an imposter! Two years ago, Prison Facility "Sir!" Sumaludo sa kaniya ang bantay sa mataas na bakal na gate nang bumaba siya sa sasakyan. Tinanguan