"Sir Lang?" "Hmm? Bakit Cin? Please drop the sir. Just call me Lang." "Okay, Lang. Tanong ko lang anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Nagkatitigan muna silang dalawa bago sabay na natawa. Nakaupo siya sa sahig habang nakaunan ang pisngi sa gilid ng kama nito. She's lying comfortably on the sheets. The lights are off but he can see her eyes shining through the dark. "Kasi gusto kitang makita," sagot niya. Tumango ito at mas tinaas pa ang kumot sa leeg. "Okay. Pwede isang tanong pa?" He chuckled. "Sure. What is it?" "Bakit mo po hawak ang kamay ko?" Kapwa bumaba ang tingin nila sa magkahugpong nilang mga kamay. Hinigpitan niya ang kapit dito. He wanted to remove his glove to feel her hand with his fingers skin to skin but he's afraid she'll get scared given that he only has three