Nakatulugan na ni Cin ang panonood ng movie sa TV sa sala kaya pinatay na niya ito. Kakatapos lang niyang makipag-usap sa ina sa cellphone. Tagilid ang kaniyang estado sa election sa pamilya. Ang abuelo lang niya ang mukhang boboto sa kaniya. The rest of the elders still preferred Luca over him. Knowing Luca, it's only a matter of time now before he'll release the bomb that will completely annihilate his dreams of becoming the clan's leader. It's his price for even going against him. "You are distracted Langdon because of that woman! Get rid of her and you'll be back on the track," dinig pa niya ang galit na boses ng ina. Ayaw lang niyang sabihin dito na si Cin mismo ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa. "Gising ka pa. Can't sleep again?" He flinched in his seat when he heard