"Langdon, naghihintay ako." Iyon lamang ang lamang mensahe ng virus na ipinadala ni Nathan sa kaniya na natapos niyang i-decode. For the past two years, bigla bigla na lang itong sumusulpot sa buhay niya para singilin siya sa parte niya na gusto nitong makuha. He also thought it's justified. Daliri lang niya ang mawawala samantalang buhay ng kapatid nito mismo ang inutang niya. Itinigil niya ang kotse sa hangganan ng lupain ng mga Asturia at Alcantara kung saan tanaw na niya ito na nakaupo sa damuhan naghihintay sa panibagong item na isasama nito sa koleksiyon. Kinagat niya pahubad ang gloves at isinara ang pinto ng kotse gamit ang paa. Pagkatapos ay kinuha ang Swiss knife sa bulsa at nakatiim-bagang na iniusli ang panggitnang daliri at mabilis na pinutol ito at sinalo ng kabilang k