Episode 40 MORNING BLISS Kendra Nagising ako ay nasa kama na ako pero parang hindi kwarto ni Enriel ang kinaroroonan ko. Apple green ang buong paligid at lahat ng kulay ng mga beddings at punda ay ganoon din. Ganoon ba ako kapagod para hindi ko mamalayan na nag-sleep walking ako o baka binitbit niya ako rito habang hubad ako? Hubad pa ba ako? Nanunulis ang mga labi na sinilip ko ang sarili ko sa kumot at hubad nga ako. Nagmamadali akong tumayo kahit na kamuntik pa akong matumba. Nahihilo ako. Baka nasobrahan ako sa yugyog kaya parang naalog din ng utak ko. Hinanap ko ang tsinelas ko pero wala akong makita. Kailangan kong asikasuhin ang sarili ko dahil baka inuto lang ako ni Enriel at pinagod para maitakas niya si Ken ko. Halos madapa ako nang tumakbo ako papunta sa pint