Episode 37 BITTER MEMORIES Kendra I shut my eyes as I leaned against the door. Kahit ang pagkain ko ay hindi ko na natapos dahil sa mga Carrington. Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kabuuan ng kwarto. This is the right place where I belong, sa isang kwarto na mag-isa lang katulad ng dati. Bakit pa nga ba bumalik si Enriel? Para dugutungan ang sakit ng kahapon na parang bangungot na humahabol sa akin ngayon? Pagod na ako. Nakausad na ako at pinilit ko ‘yon na gawin kahit na sa mga taon na lumipas ay dala-dala ko pa rin siya sa puso ko. Kaya lang ang kulit niya na nagpupumilit na naman na lumabas kaya ngayon ay umiiyak na naman ako. Ayokong umiyak sa harap ni Kenriel pero paano ang gagawin ko? Nasasaktan akong isipin na habambuhay na lang yata talagang magiging pangarap ang