SPECIAL CHAPTER Kendra Umikot ako sa harap ng salamin at nakangiting hinimas ang t'yan ko sa suot kong uniform na pang-ospital. May duty ako ngayon pero may lalakarin muna kaming mag-asawa. Tatlong taon na kaming kasal at dito na kami nakatira sa mansyon na ipinagawa ni Enriel sa Baranggay Maligaya. Wala. Ang sinasabi kong bunso ko na ay may kasunod na ngayon makalipas ang tatlong taon. Buntis na naman ako at 6 weeks na. Nasa third year college na ako ng premed course at scholar pa rin, full free tuition fee at noong mga nakalipas na taon ay kasama ako sa mga may posibilad na grumaduate na suma c*m laude. Sana ay ma-maintain ko ‘yon para naman may maipagmalaki ako kay Enriel. Ngayon kasama ulit ako pero hindi pa niya alam. Sasabihin ko pa lang sa kanya mamaya pagkatapos kong m