"The truth strength of a woman is not measured by her compliance to being shackled to a bed that becomes a fortress of solitude, but her willingness to submit her heart and soul." Never Tear Us Apart (Part 3) *** Violet Santini. Pag gising ko ay agad tumambad sa 'kin ang puting ilaw, at ang mga taong naka paligid sa 'kin. Namumukhaan ko silang lahat. Ang Lucky 6 with their girlfriends and Arabella and Mara. Pwera lang kay Bellarose. Pinakatitigan ko ang kabuuan ng silid. Nandito lang pala ako sa kwarto ko sa condo ni Hunter. Sari-saring boses ang naririnig ko at hindi ko alam kung sino ang unang sasagutin ko sa mga tanong nila sa 'kin. "Wait! Ako muna!" Sigaw ni Mara sa kanila. Tinaas pa ang dalawang kamay na parang nahuli ng pulis or what. Tumahimik naman silang lahat. "Best?