"To be happy in life, you must learn the difference between what you Want Vs Need." Want Vs Need. *** Hunter De Laurentis. Nanghihinang lumabas ako ng kotse, napatingin ako sa walang malay pang si Hazel sa loob ng sasakyan.. "I'm sorry, Hazel." I mumbled. Nahihilo ako dahil sa tinamo kong sugat sa gilid ng noo ko dahil sa pag salpok ng kotse ni Hazel sa kotse ni Violet. Hindi ko na alintana ang napaka daming taong nag-uusisa sa nangyaring aksidente, all I care is Violet. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Pero parang tinakasan ako ng dugo sa katawan at parang hinahammered ang puso ko nang makitang naka handusay si Violet sa hood ng kotse at duguan ang katawan. Patakbo akong lumapit sa kinaroroonan niya at parang slow motion ang nangyari dahil