GEORGE NAGISING akong mabigat ang dibdib dahil sa nangyari kagabi. Gusto kong bawiin ang lahat ng aking sinabi ngunit alam kong ito ang nararapat kong gawin. Inabot ko ang aking telepono na nakapatong sa ibabaw ng maliit na lamesa na nasa aking ulunan. Binuksan ko iyon upang tingnan ang oras. "Argh!" ungol ko nang makita kong alas sais pa lamang ng umaga. Tatlong oras lamang ata itinulog ko at ngayon ngang gising na ako ay hindi ako nakakaramdam ng antok. Padabog akong bumangon sa di ko maipaliwanag na kadahilanan. Para bang may kung anong inis ang namamayani sa aking dibdib. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa desisyon kong tanggihan muli si Grant kagabi kahit pa nga ba nagpaliwanag na ito. Biglang sumagi sa akin alaala ang isang pagkakataong nasabi niya sa akin na mahigit dalawang t