GEORGE HINDI ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil matapos ang mainit naming pagtatalo ay hindi na ako muling kinibo ni Grant. Bagama't sa katabing bakanteng upuan ko pa rin niya napili umupo ay nanatili naman itong tahimik at walang kibo na tila ba malalim ang iniisip. Panaka-naka ko siyang sinusulyapan ngunit tila masyado itong abala sa pag-iisip. Nagkibit-balikat na lamang ako at pilit na itinuon ang aking tingin sa labas ng bintana kahit na ba wala namang ibang tanawin roon maliban sa makapal na ulap. Mapayapa na ang naging biyahe namin mula sa Clark International Airport patungong Batanes. Halos isa't kalahating oras din ang ginugol namin sa biyahe bago tuluyang makarating sa paliparan ng Basco, Batanes. Bakas ang pananabik sa mukha ng bawat isa nang lumapag kami sa paliparan ng