WARNING-SPG MATURE CONTENT GEORGE "A-ANONG gagawin mo?" nauutal kong tanong habang pinapanood ang marahan niyang paghakbang papalapit sa akin. "I'm going to show you what PDA looks like," saad niya. Halos mabingi ako dahil sa lakas nang kabog ng aking dibdib. Patuloy ang aking paghakbang paatras. Umaasa akong makakaiwas ako mula sa kanya. "T-Teka lang. H-Huwag kang lalapit!" pigil ko sa kanya ngunit nanatili itong bingi sa bawat kong tanggi. Nahigit ko ang aking hininga nang tuluyan na niyang matawid ang kaunting espasyo na namamagitan sa aming dalawa. Hindi ko mapigilang mapalunok nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga dulot nang pagkakalapit ng aming mga mukha. "Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang mawala muli sa tabi ko?" malambing nitong turan habang marahang hinahaplos ang