GEORGE NANG MAKALIPAS ang kalahating oras ay muli kaming bumalik sa opisina ni Grant kung saan ginaganap ang aming workshop. Kahit pa nga ba naroon pa rin ang galit ko kay Grant dahil sa nangyari kanina ay hindi ko pa rin maiwasang hindi siya hanapin ng aking mga mata. Ganoon na lamang ang pagkadismayang aking naramdaman nang hindi namin siya roon nadatnan. Baka may meeting, wika ko sa aking sarili. Muli naming ipinagpatuloy ang aming mga aktibidad sa buong maghapon. Maya't maya ang sulyap ko sa pinto tuwing bubukas iyon sa pag-aakalang si Grant iyon. Ngunit sa bawat pagkakataong aasa ako ay ganoon na lamang ang aking pagkabigo. Kanina lamang ay inis na inis ako sa kanya ngunit ngayon namang wala ito ay tila hinahanap-hanap ito ng aking puso. "Hay, salamat! Akala ko wala nang balak umal