GEORGE HINDI ko pa rin lubos maisip kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Ang gusto ko lamang naman ay ang lumayo sa lugar na nakakapagpaalala sa akin ng mga bagay tungkol kay Grant. Ngunit hindi ko inaasahang sa pag-alis ko ay siya pa rin pala ang matatangpuan ko rito. Nalaman kong si Stephano pala ang kapitan ng barkong ito at silang dalawa ni Grant ang may-ari ng cruiseship na ito. Isa ito sa mga negosyong itinayo ni Grant bukod pa sa sarili nitong publishing house sa New York at ang publishing house na pagmamay-ari ng kanyang ama kung saan ako nagtatrabaho. Malabo pa rin sa akin ang plano ni Stephano. Hindi ko alam kung paanong masusulosyunan noon ang lamat sa relasyon namin ni Grant. Idagdag pa ang katotohanang kasama nito ngayon ang asawa niya upang ayusin ang kanilang rel