Dahil sa pagod ni Rose sa biyahe nito at puyat ay agad siyang nakatulog. Hindi na niya nagawang pagtripan si Simon na nakikipag-inuman sa may kubo kasama ang mga trabahador. Saka mas gusto nitong pagtripan si unaga dahil nawiwili siyang makita ang hindi maipintang mukha ng lalaki. Kaya nakakatiyak na si Rose na hindi magiging boring ang pananatili nito sa probinsiya. Idagdag pa ang malditang anak ni Simon na kailangan din niyang paamuin dahil matigas na din ang sungay nito kagaya niya. Ang pagkakaiba lamang nila ay malaki na siya samantalang paslit pa ang malditang bata.
Kinabukasan. Napainat si Rose sabay mulat ng kanyang mga mata. Nahagip nang kanyang mga mata ang malaking orasan na nasa may dingding. Napabalikwas pa siya nang bangon dahil alas nuebe na pala ng umaga. Samantalang alas otso siya nakatulog kagabi hindi ma din siya nagbukas ng kanyang phone. Marahang bumangon si Rose at agad na nagpasyang maligo nang maayos na niya ang kanyang higaan. Pagkatapos niyang makabihis at makapag-ayos ng kanyang sarili ay bumaba na siya. Nakasuot siya ng ternong kulay green na spaghetti at maikling shorts. Kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan, ang kaputian at kakinisan ng kanyang balat. Ipinusod din niya ang kanyang buhok kaya bongga siyang tingnan at maaaliwalas ang kanyang look.
"Good morning Aling Tasing!" Bati niya sa Ginang na naglilinis sa mat kusina.
Lumingon si Aling Tasing kay Rose at nanlaki pa ang mga mata nito sa hitsura ng dalaga.
"Napakaganda mo naman anak grave! Para kang anghel na galing sa langit na bumaba dito sa lupa!" Masayang puri ni Aling Tasing kay Rose.
Super proud naman si Rose sa puri ni Aling Tasing although madalas na nga niya iyong naririnig sa mga pumupuri sa kanya. Subalit iba pa din ang dating kapag bagong kasama at kakilala mo ang mga pumupuri sa'yo. Kahapon kasi ay bestidang fuschia hanggang tuhod ang suot ni Rose na walang manggas. Pero alam naman niyang maganda talaga siya maski ano ang kanyang suotin.
"Pero huwag na huwag ka lang mamasyal sa malayuan at maglalakad-lakad ha?" Sabi pa ni Aling Tasing.
Kumunot-noo naman si Rose. "Why?"
Ngumiti ulit si Aling Tasing.
"Magkakagulo ang mga tao hija sa hitsura mo baka hindi sila makapagtrabaho nang maayos." Natatawang paliwanag ni Aling Tasing.
Natawa din naman si Rose saka umiling-iling at nagtimpla na siya ng kanyang kape. Kumuha din siya ng isang nilagang itlog, nilagang saging at nilagang mais saka umupo sa harap ng hapag-kainan.
"Hindi kasi sila sanay makakita ng sobrang seksing kasuotan dito. Alam mo na probinsiya kukutyain ka lang ng mga tsismosa diyan sa tabi-tabi kahit pa halatang inggit sila." Dagdag pa ni Aling Tasing.
Muling namang natawa si Rose sabay higop ng kanyang kape.
"Hayaan mo silang manigas Aling Tasing. At sa mga inggit na tsismosa dito, hayaan niyo pong umusok ang kanilang mga bunganga. Wala akong pakialam sa kanila, buhay ko ito kaya ako ang masusunod." Kampanteng sagot ng dalaga.
"Kung sabagay naman may punto ka. Hindi ka ba magkakanin?" S
Pagsang-ayon din naman ni Aling Tasing.
"Hindi na po okay na sa akin ang mga ito. Mamayang lunch time na lang Aling Tasing salamat," tugon ni Rose at kinain na niya ang nasa kanyang harapan.
Tumango naman si Aling Tasing at nag-ayos na ito ng kanyang mailuluto para sa kanilang tanghalian.
"Aling Tasing hindi ba kayo nahihirapan dito?" kapagkuwan ay tanong ni Rose dahil parang napansin niyang tila mag-isa lang itong gumagalaw sa may kusina.
Ngumiti naman si Aling Tasing nang lingunin niya si Rose na nakatingin sa kanya.
"Hindi naman. May katulong din naman ako hindi mo lang napansin siguro dalawa sila. Sina Berta at Nina mag-ina silang dalawa na kinupkop ni Gael dito. Nasa likod bahay sila saka hindi naman alagain sina Simon at Shai. Mas gusto ni Simon na siya lang ang nag-aasikaso sa kanyang anak. Meron din naman sina Dodong, Pangking at Teban maging si Ryan. Kaya magaan lang dito iba naman ang mga manggagawa sa may mga taniman," paliwanag ni Aling Tasing.
Napatango-tango na lamang si Rose at noon lang niya nalaman na medyo madami din pala sila sa bahay sa rancho. Hindi niya lang siguro napansin kahapon siguro kapag nagtagal-tagal na siya doon ay kilala na niya ang lahat sa rancho.
"Ako din Aling Tasing hindi niyo obliga na pagsilbihan ako kaya ko naman po ang aking sarili." Sabi naman ni Rose.
"Salamat," nakangiting sagot ni Aling Tasing.
Tumayo naman si Rose upang hugasan niya ang kanyang pinagkainan. Pagkatapos ay nagpaalam siya kay Aling Tasing na lalabas muna siya at maglibot-libot sa paligid ng bahay. Hindi na din tinanong ni Rose kung nasaan sina Simon at ang anak nito dahil magiging obvious naman ng interesado siya masyado sa mag-ama. Saka binilinan din siya ni Aling Tasing na huwag muna lalabas sa bakod ng rancho lalo na kung mag-isa lamang siya. Nangako naman siya kay Aling Tasing na hinding-hindi siya lalabas sa bakod ng rancho saka takot din naman siya lalo pa at bago pa lamang siya doon.
Paglabas ni Rose ay agad niyang natanaw sa may likod bahay ang mga nagpapakain sa mga kabayo. Maging sa may bandang manukan at babuyan kahit sa may pala-isdaan at hindi naman masydong mataas ang bakod sa likod. Sa kabila lang naman naroon ang kanyang mga natatanaw kita din niyang nakabukas ang gate doon pero hindi niya talaga sinubukan ang lumabas. Tama na muna sa kanya ang patanaw-tanaw saka na lang siguro siya maggagala kapag medyo matagal-tagal na siya doon.
Nahagip ng mga mata ni Rose ang puno ng bayabas na hitik sa bunga kaya lumapit siya at namitas ng dalawang hinog. Plano niyang isasawsaw iyon sa suka na may asin pumitas din siya ng dalawang bunga ng medyo hindi pa masyadong hinog na bunga na kaimito violet iyon. Bigla siyang natakam kahit pa kakakain lang niya pagharap niya sa kanyang likuran ay nagulat siya. Si Shaimere ang anak ni Simon nakatayo pala sa kanyang likuran at pinagmamasdan siya.
"Ginulat mo naman ako baby! Bakit hindi ka nagsalita diyan," bulalas ni Rose.
Hindi sumagot ang bata bagkus ay tumingin ito sa hawak-hawak ni Rose na bunga ng kaimito.
"You like this star apple?" Tanong ng dalaga.
Tumingin ang bata sa mga mata ni Rose na tila nag-aalanganing magsalita.
"Come on. Kahit hate mo ako sumagot ka naman, you can say yes or no. O kaya naman umiling ka na lang kung ayaw mo tumango ka lang kung gusto mo." Sabi ni Rose.
May tumikhim sa may bandang left side ni Rose kaya awtomatik na tumingin siya kung sino iyon.
"Hi, Daddy Simon!" Agad na napagkit ang ngiti sa labi ng dalaga nang makita niyang si Simon iyon.
"We spray those fruits kaninang umaga lang kaya bawal kainin ngayon. Iyon siguro ang sasabihin sana ni Shai sa'yo," malamig na sagot ni Simon kay Rose.
Napaawang naman ang labi ng dalaga at muli niyang tiningnan si Shaimere na lumapit naman sa Ama nito. Napakurap-kurap pa si Rose kung hindi siguro siya nakita ng mag-ama malamang at nalason na siya nang wala sa oras.
"You should inform me hindi ko naman alam," turan ni Rose na kay Simon na nakatingin.
Ngumisi naman si Simon. "You should ask us also!"
Bumuntonghininga naman si Rose at nakadama siya nang pagka-dismaya.
"Pagkatapos ayaw man lang akong sabihan ng anak mo. Nakita na pala akong namitas nakatingin lang aba paano kung kumagat na ako kanina pa eh 'di tigok na ako?" Reklamo niya.
Sukat doon ay parang lumambot naman ang mukha ni Simon at tiningnan niya ang kanyang anak.
"You should warn her Shai," sabi ni Simon sa mababang boses.
Tumingin naman si Shai kay Rose na nakataas ang isang kilay nito.
"She's fast picking those fruits," maya-maya pa'y tugon ng bata.
Napaikot naman ni Rose ang kanyang mga mata talaga namang pinapalabas ng bata ang kanyang pagka-maldita.
"Ano ng gagawin ko dito sa mga pinitas ko? Itatapon?" Medyo may taray na sa boses ni Rose.
"Give it to me, I will disinfect para makain mo. Halata namang gustong-gusto mo ng kainin ang mga 'yan." Sagot ni Simon sabay kuha sa mga prutas na hawak ni Rose.
"Shai stay put here," baling naman ni Simon sa anak nito at lumayo na sa dalawa.
"So, saka pa lamang magsasalita kapag tigok na ako at nakakain na nang lason?" Tanong ni Rose sa bata ewan ba niya at kumulo na ang kanyang dugo sa nangyari.
"You should ask permission first before picking," sagot ng bata.
"Kanino sa mga puno?" balik tanong naman ni Rose.
"Dinaanan mo ako diyan kanina po," wika ni Shai sabay turo sa dinaanan ni Rose kanina.
Napakurap-kurap naman si Rose. "Wow! May paggalang ka din naman pala pero bakit hindi kita nakita o napansin?"
"Nakatanaw ka sa kabilang bakod po while I'm digging the soil." Turan pa ng bata.
Pagtingin ni Rose sa sinasabi ni Shai ay nakita nga niyang may laruan doon. Isang plastik na shovel, si Rapunzel niya at kagamitan ng nagtatanim sa garden. Napabuga naman nang hangin si Rose bakit ba hindi niya kasi nakiya agad ang anak ni Simon bago siya namitas.
"Kahit na you can yell at me sana para hindi ako namitas." Giit pa din ni Rose.
"I said you're too fast," sabi naman ng bata.
Muling napabuga nang hangin si Rose at tinitigan niya si Shaimere.
"Okay. Ako na lang ang may kasalanan talaga, siguro nga hindi mo din agad akong nakitang namitas. Late na siguro nang makita mo kasi nga naglalaro ka diyan," pagpapakumbaba ng dalaga.
Hindi umimik si Shaimere pero nagkibit- balikat naman ito na siyang muling ikinataas ng isang kilay ni Rose. Magsasalita pa sana si Rose nang makita niyang dumarating si Simon kaya tumahimik na lamang siya.
"After thirty minutes puwede mo ng kainin ang mga prutas," agad na sabi ni Simon nang makalapit na ito nang husto kina Rose at Shaimere.
"Okay lang thanks!" Simpleng sagot ni Rose.
"Shai you can go to the garden," baling naman ni Simon sa kanyang anak.
"But I want to play in the soil and garden," giit ng bata.
"I need to go in the field," sabi naman ni Simon.
Nag-pout lips si Shaimere kaya natawa si Rose kasi gawain din naman niya ang ganoon kapag hindi siya pinapayagan.
"Sasamahan ko na lang siya dito, promise hindi ko siya kakainin." Singit naman ni Rose sa mag-ama.
Tahimik na tumingin ang mag-ama kay Rose kaya naisip ng dalaga na kung kanino nagmana ang bata. Kitang -kita naman ang ebidensya kahit hindi walang nagsasalita sa mag-ama. Mga kilos pa lamang nila ay solid na ngang carbon copy ang dalawa.
"Nang ganyang ayos mo? You should change your clothes baka masilipan ka." Maya-maya ay sagot ni Simon.
"What's wrong with my clothes? Hindi naman ako ang titigasan," natatawang tugon ni Rose.
"Ibahin mo dito sa probinsiya," sabi pa ni Simon.
Mas lalong natawa si Rose na medyo inis.
"Anong pakialam ko kung probinsiya dito? This is my life wala akong pakialam sa mga tao dito." Aniya.
Nagsukatan nang titig sina Simon at Rose ng ilang segundo.
"Daddy I want strawberry," ungot bigla ni Shaimere.
Napakurap-kurap naman si Simon.
"Okay. Dalhin na natin ang mga laruan mo doon ka na lang sa loob malamok dito." Anito sabay yakag sa kanyang anak.
Kapagkuwan ay huminto si Simon saka muling lumingon kay Rose.
"Siguro gusto mong ipalamutak sa mga lamok ang mga binti mo. So be it," sabi ng lalaki ay nagpatuloy na silang umalis.
First time mainis si Rose kay Simon pero nawala din naman agad. Kung bakit kasi hindi na lang siya diretsuhin ni Simon na lalamukin siya sa likod bahay kapag ganoon ang ayos niya. Na-miss interpret niya tuloy para tuloy silang mag-asawa na possessive ang isa samantalang stubborn naman ang isa. Kapagkuwan ay sumunod na rin si Rose sa mag-ama doon na lang siya sa loob ng bahay kasama ang anak ng lalaki. Mamaya na din niyang kakainin ang mga prutas na pinangahasan niyang pitasin kanina nang hindi siya nagpapaalam.
Pagkarating ni Rose sa loob ng bahay ay nadatnan niyang nasa may sala ang mag-ama. Pinaghihiwa nito ng strawberry si Shaimere.
"Dad I want to call Mommy please?" Kapagkuwan ay narinig niyang tanong bata.
"No, Shai listen to me." Agad na tanggi ng Ama.
Na-curios bigla si Rose kaya medyo nagkubli siya sa pader ng maindoor.
"Just a minute Dad," pakiusap pa ng bata.
"Shai ayokong pinagpipilitan mo ang ayaw kong gagawin mo. Napag-usapan na natin ito matagal na pinagbigyan na kita noong isang araw." Sabi ni Simon.
"But I miss her again!" Maiiyak na ang hitsura ng bata.
Bigla tuloy nakadama nang awa si Rose kay Shaimere. Siguro iyon ang dahilan kung bakit medyo mailap ang bata mas gusto nito ang kanyang Mommy na makasama. Tahimik na bumalik si Rose sa may hardin at napaupo siya sa may swing. Naisip din niya ang kanyang mga magulang na tinakasan niya. Muling bumalik ang kanyang isipan sa anak ni Simon hindi man siya ang nasa kalagayan ng bata alam niyang mahirap ang pinagdaanan nito. Mahirap maipit sa gitna ng nag-uumupugang mga bato lalo na kung hindi na puwede pang magsama kahit na kailan.