Kabanata 57

2497 Words

(NAYA)         PAG-ALIS ng sinakyang taxi ni Liza ay tinawag ko si Kuya Vener at nakiusap na ihatid ako sa Laxamana Building. Pagkabihis ay nagpaalam lang ako kina Nay Thelma at Poleng at umalis na rin kami. Mula nang huling beses na bisitahin ko si Eric ay noon na lang ako ulit nakabalik sa main office. I could simply enter the building gaya nang dati pero, mas minabuti kong sa basement na lang dumaan upang hindi na makatawag ng pansin ng ibang empleyado. Sariwa pa ang eskandalo na gawa ng press con ni Miss Belle at kailan lang din naglabasan ang mga balitang kumalat sa internet tungkol sa pekeng kasal daw namin ni Eric. Hindi naman ako natatakot na makarinig ng mga komento ng ibang tao pero, dahil sa kalagayan ko, mabuti kung ako na mismo ang iiwas sa magiging dahilan ng stress ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD