(ERIC) PAGKAGALING sa doktor ay umuwi na kami ni Naya. Hindi ko na rin siya pinapasok sa school sa araw na iyon. Sa daan ay tinawagan niya ang kaibigan niya. “Yes, Liza, it’s true! Kagagaling lang namin sa OB-Gyne ni Eric.” Nilingon niya ako. I smiled at her. Hindi ko pa nakikilala nang personal ang kaibigan ni Naya pero, naikwento na niya ito sa akin. “Thank you, Liza… Yes…. Oh, well, pag-uusapan pa naming mag-asawa ang tungkol diyan. Kung hindi naman delikado at okay lang kay Eric, tatapusin ko na itong sem...." Tumawa si Naya. "Okay lang. Walang problema sa akin kung gr-um-aduate ako na malaki ang tiyan.” Nilingon ko si Naya pagkasabi niya noon. Hindi ko alam kung seryoso siya o binibiro lang niya ang kausap pero, base sa nakikita ko, kagaya ko rin siya na sobrang saya sa biyayang