Kabanata 41

1784 Words

HINAWAKAN ko ang kaliwa kong siko at banayad na iniunat. Good thing na wala namang masakit. Limang araw nga lang mula nang magpunta ako sa specialist ay hindi na masakit igalaw ang aking siko pero, hinayaan ko pa rin na suot ko ang bandage at arm sling. Inalis ko na lang ang sling nang makaisang linggo na dahil laging napapansin ng mga guests sa hotel. Nang bumalik ako sa elbow specialist kinabukasan ay nakita sa X-ray na naghihilom na ang fracture. Nagbilin pa rin ang doktor na h'wag ko raw aalisin ang bandage at h’wag ko munang ibubuhat ang kaliwa kong braso nang mabigat hangga’t hindi matapos ang tatlong linggo. I was able to follow it dahil puro kanan lang ang ginagamit ko at suporta lang lagi ang kaliwa pero, sa pagkakataong iyon ay hindi ko maiwasang igawa ang pareho kong braso.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD