“I WILL miss you, Naya!” sabi sa akin ni Kendra nang sumapit ang alas diyes ng gabi at magpaalam na ako sa kaniya. Napangiti ako. “Magsisimula na naman ako next week dito. Malay mo, magtugma ang schedule natin. O kahit magpang-abot lang. Magkikita pa rin tayo.” “Tama! Excited din ako for you! Good luck!” “Thank you, Kendra.” Pag-alis ko sa front desk ay dumirecho na ako sa employee’s lounge ng hotel. Nauna na roon ang tatlong kasama ko. Nagpapaalam din sila sa ilang attendants at chambermaids na nakasama sa ilang gabing pag-backup namin sa hotel. Nagmadali ako sa pagbibihis. Kasabay nila ako kanina pag-alis sa main office kaya siguradong hihintayin nila ako sa service vehicle na maghahatid sa amin pabalik. Doon na ako sasakay ng taxi since, wala si Kuya Vener at si Eric naman ay ma