“SABAY na ba tayong mag-eenrol, next week? Or may ibang sasama sa’yo?” tanong ni Liza na kausap ko ngayon via videocall. Nasa sasakyan ako at patungo na ulit sa Laxamana Building. Panlimang araw ko nang nagtatrabaho as janitress. “Ako lang ang mag-eenrol sa sarili ko, Liza. Nabanggit ko na rin ‘yan kay Eric kahapon at wala naman siyang ibang sinabi so probably, ipapahatid na lang niya ako kay Kuya Vener. Magkita na lang tayo sa campus.” “Sure. E, kumusta naman ang work mo? Hindi ba mahirap?” “Hindi naman. Actually, ini-enjoy ko nga siya. Isang lugar lang naman kasi ang naka-assign sa akin. Ang problema lang, ‘yong iba kong mga kasamahan sa departamento. Sinisilip na kasi nila ang trabaho ko. Hindi ko naman alam kung paano ipapaliwanag dahil mismong si Eric hindi sinasabi sa akin kung