Medyo late na akong gumising dahil siguro sa hindi namin pagpansinan ni Alas. Tatlong araw niya akong hindi kinakausap kahit ang tingnan ako ay hindi niya magawa. At tatlong gabi din itong hindi umuwi alam kong magkasam silang dalawa ni Daisy. At masakit iyon para sa akin, kahit nabira ko na ang babaeng iyon ay siya pa rin ang nasa puso ni Alas. Expected ko na pero determinado talaga akong mabaling sa akin ang pagmamahal ni Alas na kay Daisy ngayon nakatuon. Alam kong hindi madali na paibigin si Alas dahil saling pusa lamang ako at napilitan lang si Alas na pakasalan ako. Iinot- inot akong lumabas mula aa guest room pababa na ako nang maulinigan kong tila may mga ibang tao sa malawak na sala. Maingay kasi kahit hindi pa ako nakakababa. Out of curiosity ay binilisan ko ang aking mga hakban

