"Avery," Napaatras ako hindi dahil sa ayaw kong salubungin ang paglapit sa akin ni Tyron kundi dahil bigla niya akong hinila at humarang sa pagitan namin. Napatingin ako sa kanyang likod na nakaharang sa harap ko. "Tito Ken, Avery is my mast..." "Tyron!" Napalakas ang pagtawag ko sa pangalan niya para pigilan ito sa pagsasalita. Pinanlakihan ko siya ng mata habang sumilip mula sa likuran ni Kendrick. Napatingin naman sa akin si Tyron na nakuha ang ibig kong sabihin sa pagtingin ko sa kanya. Mabilis akong tumuwid ng tayo ng lumingon na si Kendrick sa akin at agad na binawi ang mata ko kay Tyron. Seryoso at halos magkasalubong na ang mga kilay niya na tumitig sa akin. Hindi man niya isatinig ay alam ko na sa klase ng tingin niya ay nagtatanong siya tungkol sa kung ano ba ang relasyon

