Patuloy ako sa pagsabunot at pagsampal kay Karen. "Ahhhh, tulong." Sigaw ni Karen na hindi na alam kung ano ang sasanggahin sa pagsampal at pagsabunot ko sa kanya. Hanggang sa mapansin ko na pasugod na sa akin ang mga kasama niya. Alam kong talo ako dahil marami sila at nag iisa lamang ako ngunit bago pa man nila ako masaktan at matulungan si Karen ay may kung sino ang pumaikot ang braso sa baywang ko at naramdaman ko na lang ang pag angat ng katawan ko mula sa pagkakasampa ko kay Karen. Para akong isang sako ng bulak dahil balewala sa kung sino man ang bumuhat sa akin habang nasa tagiliran ako nito. Natigilan ang mga kasama ni Karen habang ito ay kusang tumayo mula sa pagkakahiga sa semento. "Ano na namang kaguluhan ito?" Doon ko napagtanto kung sino ang bumuhat sa akin na awtomati

