"Dalhin mo ito kay mngr Lauro." utos sa akin ng head ng departamentong may hawak sa akin. Ito ang babaeng sinabihan ni Kendrick na bahalang magbigay ng trabaho para sa akin o sa mga dapat kong gawin. May ibinigay itong asul na envelope. Kinuha ko iyon pagkatayo ko na aking upuan. "Ibibigay ko lang ba ito sa kanya. Ms Lyca?" tanong ko. Baka may iba pa kasi itong ibibilin kay mas mabuti na ang magtanong kaysa babalik pa ako. "Oo, may ipapalit si manager Lauro sa mga iyan, mga papees ng bagong project na hawak natin." sagot naman nito. "Sige, ms. Lyca. Kung wala na, dadalhin ko na ito sa kanya." Hawak ko ang envelope ay tinungo ko na ang elevator. Nasa ikalimang palapag ang opisina ni Manager Lauro habang kami ay nasa ikapitong palapag. Naghihintay ako sa pagbukas ng elevator pero pagbu

