Tumalikod ako para makapagbihis siya ayon sa gusto niya kahit na gustong gusto kong ako mismo ang magtanggal ng basa niyang damit. Gayunpaman, pinigilan ko ang sarili ko na huwag ipilit ang kagustuhan kong iyon para hindi siya lalong mangilag sa akin. Totoo naman na wala ng nag uugnay sa aming kontrata para sumunod pa siya sa lahat ng gusto ko dahil ako mismo ang nagpalaya sa kanya na pinagsisisihan ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga ng umayos ako ng upo at tumalikod na sa kanya. "Huwag mong hintayin na magbago ang isip ko na ako mismo ang magtanggal ng damit mo. Kaya magbihis ka na bago ka pa dapuan ng sipon at magkasakit ka." Utos ko sa kanya ng hindi pa siya kumilos para magbihis. "Oh!" Tanging naging tugon niya. Sa pagtalikod ko na napaharap sa salamin ng bintana ay

