Namayani na naman ang mga bulungan, isa na doon ang bulungan tungkol sa pagsisinungaling nga nina Cecilia at Natalie sa pagpapakalat nila sa fiance thing na iyon. "Kendrick!" nanlaki ang mga mata ni Natalie sa hindi makapaniwala na ipinahiya nga niya ito sa harap ng maraming tao na minsan tiningala si Natalie pero ngayon pinababa iyon ng mga salita lang ni Kendrick. "Go back to your work." utos niya sa kanyang mga empleyado bago niya binalingan ulit si Natalie. "Gawin mo ang sinabi ko, ayusin ang papel ng pinsan mo at huwag kalimutan na ilagay ang remark sa naging trabaho niya. If you don't, huwag kang magsisi kung ako mismo ang aasikaso dahil baka pati ikaw ay isama ko sa pagpapaalis ko sa pinsan mo." utos niya dito. Matapos niyang pagsabihan si Natalie, kahit na halata pa na gusto nit

