Wala na akong magagawa kundi sabihin sa kanya ang totoo, dahil nakikita at ramdam ko na hindi magbabago ang pasya niya sa pagpapa suspende kay Tyron at pagpapalipat niya sa akin ng Major. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ko sinimulan ang pagpapaliwanag ko ng matapos na ang usapan naming na tila paikot ikot lang din naman. Para na rin mawala ang inis ko sa kanya sa pag aakalang may naging relasyon kami ni Tyron. Bahala na kung ano ang sasabihin niya at tuluyang magbago ang pagkakakilala at impresyon niya sa akin. Oo, I am not that kind hearted at lalong hindi ako masunurin. Pasaway ako noong nasa elementary ako at high school at laging napapaaway. Nagbago lang ako ng kaunti noong alam ko na ang hirap ng buhay namin at nagpasya akong tumulong sa mga magulang ko sa pagpaparal na

