"Ate Avery, nasaan ka na? Bakit hindi ka na pumapasok, ang sabi mo kahit bumalik ka sa dati mong amo ay mag aaral ka pa rin?" magkakasunod na tanong sa akin ni Rosalie ng makatanggap ako ng tawag mula sa kanya habang naghihintay ako kay Kendrick na matapos sa pakikipag usap kay Tyron. Hindi agad ako nakasagot. Nakalimutan ko nga palang sabihan ang kapatid ko na hindi nga ako makakapasok sa loob ng isang buwan dahil nga sa ipinasang excuse letter ni Kendrick mismo sa director ng Falcon at hindi ko na naalala na sabihan siya para hindi nga siya mag alala. "Hindi ko nasabi sayo, nagbigay ng excuse ang amo kung matanda ng isang buwan dahil isinama nila ako sa kanilang bakasyon." pagsisinungalin ko kay Rosalie. "Hahabol na lang ako ng aralin ko kapag nakabalik na kami." Hindi ko naman masabi

