Kabanata XXXVIII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA HINDI NAMIN inaasahan ni papa ang pagdating ng aking pinsan na si Veronica. Kasama niyang dumating ang kanyang tagapangalaga na si Aling Felissa at ito ay ayon kay Aling Inicia na nakakakilala sa kaniya. Sinalubong namin sila sa harapan ng mansion sa harapan ng mga nagpapahinga at naglilibang na mga tauhan namin. "Maligayang pagbabalik hija," salubong ni papa sa kaniya nang bumaba siya sa kaniyang kalesa. Napakagandang babae ni Veronica. Makikita iyon sa kanyang k