bc

The Generals’ Daughter Forbidden Love

book_age18+
26
FOLLOW
1K
READ
forbidden
family
age gap
drama
sweet
highschool
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Nang mamatay si General Oliver Catalina at ang asawa nitong si Mercedes Catalina, ay si Arden Samaniego ang kumupkop sa anak nilang si Violet Catalina. Dahil sa malapit ang loob niya sa ama nito ay tinuring na niya itong kapamilya niya. Walang matandaan si Violet sa nangyari sa kaniyang mga magulang kaya minabuti na lang na itago ito ni Arden sa kaniya para sa sarili nitong kapakanan at para kalimutan na ni Violet ang malagim na sinapit ng mga magulang niya. She called him Uncle Lieutenant that she thought he was her Uncle. Isa sa kanila ang nagpipigil magmahal dahil hindi ito tama. Paano kung dumating ang pagkakataong kailangan mong pigilan ang nararamdaman mo kung kaya’t magpapanggap kang may kasintahan na at siya ang taong pakakasalan mo? Kakayanin mo bang makita ang minamahal mo na nasasaktan? O mas pipiliin mo ang sariling kaligayahan mo?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ARDENS’ POV: Nagpunta ako sa opisina ni General Oliver Catalina para magreport. Katatapos lang ng training ko nang ipatawag niya ako. Tatlong taon na mula nang makapagtapos ako at tuluyang sumabak sa training bilang isang sundalo. Sa loob ng tatlong taon na iyon, marami akong pinagdaanan—mga gabing halos hindi ako makatulog dahil sa pagod, mga araw na paulit-ulit kong kinailangan patunayan ang sarili ko, at mga pagkakataong kinailangan kong lunukin ang takot para lang magampanan ang tungkulin ko. Wala na akong mga magulang. Bata pa lang ako, natutunan ko nang umasa sa sarili ko. Pero nagbago ang lahat nang makilala ko si General Oliver Catalina. Hindi lamang niya ako tinulungan. Siya ang taong nagbigay sa akin ng pagkakataong magkaroon ng kinabukasan. Siya ang tumayo bilang gabay ko nang wala akong matakbuhan. Noong high school ako, kilala akong basag-ulo. Madalas akong nasasangkot sa away at ilang beses na rin akong muntik ma-expel. Hindi ko alam noon kung saan patungo ang buhay ko. Wala akong pakialam sa consequences. Hanggang isang araw, nakita ako ni General Catalina na binubully at sinasaktan ng ilang estudyante. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Lumapit siya at agad na pinatigil ang gulo. Hindi niya ako tinanong kung bakit ako nakikipag-away. Hindi niya ako hinusgahan. Sa halip, kinausap niya ako nang seryoso at ipinaalala na hindi habang-buhay magiging ganoon ang buhay ko. “Arden, may choice ka,” seryoso niyang sinabi noon. “Pwede mong hayaan na kainin ka ng galit mo. O pwede mong gamitin ’yan para maging mas mabuting tao.” Hindi ako agad nakasagot. Pero mula noon, tinulungan niya akong makapag-aral. Siya ang nagbigay sa akin ng pagkakataong makapagtapos. At ngayon, isa na rin akong sundalo kagaya niya. Kaya para sa akin, hindi lang siya isang general. Siya ang pinakamalapit na bagay na tinawag kong pamilya. Kumatok ako nang tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Pagpasok ko, nakita ko siyang nakatayo sa harap ng malaking bintana, tahimik na nakatanaw sa labas. Agad akong tumayo nang tuwid. Inayos ko ang postura ko, itinaas ang kanang kamay patungo sa gilid ng aking noo, at nagbigay ng military salute. “Sir.” Humarap siya sa akin. Nang makita niyang nakasaludo pa rin ako, bahagya siyang tumango. “At ease, Lieutenant.” Ibinaba ko ang kamay ko at bahagyang nag-relax ang postura ko bago lumapit. “Good afternoon, Sir.” “Good afternoon, Arden. Sit down.” “Yes, Sir.” Umupo ako sa harap ng kaniyang mesa. Hindi ko kailangang hulaan na may mahalagang dahilan kung bakit niya ako ipinatawag. Hindi naman siya basta nagpapatawag ng sundalo pagkatapos ng training nang walang dahilan. “How was the training?” tanong niya. “Maayos naman po, Sir. Medyo demanding, pero natapos namin lahat ng exercises. May ilang kailangang i-improve sa team coordination, pero naayos naman po namin bago matapos.” Tumango siya. “And you?” “I’m fine, Sir.” “Hindi ka ba pagod?” Bahagya akong napangiti. “Sanay na po ako.” “Good.” Sandali siyang natahimik. Ngunit napansin kong nagbago ang kaniyang ekspresyon. Kanina ay parang ordinaryong usapan lamang. Ngayon, tila may mabigat siyang iniisip. Mula sa pagiging kalmado, naging seryoso ang mukha niya. At alam kong may mahalaga siyang sasabihin. “Arden…” “Sir?” “May gusto akong sabihin sa’yo.” Tumango ako at naging seryoso rin. “It’s about Violet.” Bahagya akong napahinto. Si Violet. Ang nag-iisang anak niya. Sweet na bata si Violet. Sa tuwing nagagawi siya sa kampo, lagi siyang may dalang candy at palagi niya akong hinahanap para bigyan ako. Minsan, kahit alam niyang hindi ako mahilig sa matatamis, pilit niya pa rin akong binibigyan. “Uncle Arden, para sa’yo.” At kapag tinanggihan ko, sasabihin niyang, “Bawal tumanggi.” Kaya wala akong nagagawa kundi tanggapin. “Bakit po si Violet?” Huminga nang malalim si General Oliver. “Kung sakaling may mangyari sa akin…” Napakunot-noo ako. “Sir, bakit parang—” “Pakinggan mo muna ako.” Tumahimik ako. “Kapag may nangyari sa akin, gusto kong ituring mo si Violet na parang tunay mong pamilya.” Nanigas ako sa kinauupuan ko. “Sir…” “Alam kong may mga taong gustong ipahamak ako.” Napailing ako. “Hindi po mangyayari iyon.” “Arden.” “You’re the best soldier I’ve ever known, Sir. Hindi kayo basta-basta matatalo.” Ngunit hindi siya ngumiti. “Hindi lahat ng laban ay kayang manalo ng isang sundalo.” Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko. Ayokong marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Ayokong isipin na maaaring dumating ang araw na wala na siya. “Walang mangyayari sa inyo, Sir,” mariin kong sinabi. “Hindi ko hahayaang mangyari iyon.” Matagal niya akong tinitigan. At sa halip na ipagpatuloy ang mabigat na usapan, bigla siyang napabuntong-hininga. “Anyway…” “Sir?” “Birthday ni Violet ngayon.” Napakurap ako. “Birthday po niya?” Tumango siya. “Pumunta ka sa bahay mamaya. Mag-celebrate kami.” Napangiti ako. “Sure, Sir.” Aminado akong nami-miss ko na rin si Violet. Matagal na niya akong kinukulit na dumalaw sa bahay nila, pero naging abala ako sa training. Kaya kahit hindi ko palaging napupuntahan, hindi ko naman nakakalimutan si Violet. Madalas akong nagpapadala ng mga paborito niyang pagkain. Mahilig kasi siya sa pagkain. Lalo na sa pastries. “Pupunta po ako.” “Good.” Napangiti ako. “I’ll surprise her.” Paglabas ko ng opisina, pababa na ako nang makasalubong ko sina Tita Mercedes at Violet. “Good afternoon, Tita Mercedes.” “Arden!” Hindi pa ako nakakalapit nang tuluyan ay tumakbo na si Violet papunta sa akin. “Uncle Arden!” Agad niyang niyakap ang baywang ko. Napangiti ako at bahagya akong yumuko para magpantay kami. “Hello, birthday girl.” “Naalala mo birthday ko?” “Of course.” Ginulo ko ang buhok niya. Agad siyang napasimangot. “Uncle! Ang gulo ng buhok ko!” Tumawa ako. “Mas bagay sa’yo.” “Hindi!” Tumawa si Tita Mercedes. “Pareho talaga kayong hindi nagbabago.” Tumingin sa akin si Violet at biglang naging excited. “Uncle, pupunta ka mamaya, ’di ba?” “Hmm…” “Promise?” Napakamot ako sa batok. “May training pa ako.” Biglang bumaba ang balikat niya. “Pero birthday ko…” “Sorry.” Humaba ang nguso niya. “Lagi ka na lang busy.” Napatingin ako kay Tita Mercedes at mabilis ko siyang kinindatan. Agad niyang naintindihan. Bahagya siyang ngumiti. “Don’t worry, Violet. Baka may surprise si Uncle Arden sa’yo.” Napatingin sa akin si Violet. “Talaga?” Umiling ako na kunwari ay walang alam. “Wala.” “Uncle!” Tumawa ako. “Malalaman mo mamaya.” “Pero sabi mo may training ka!” “Exactly.” Lalong sumimangot si Violet. “Hindi kita gusto.” Napailing ako habang pinipigilan ang tawa. “Okay. I’ll survive.” Nagpaalam sina Tita Mercedes upang puntahan si General Oliver, habang ako naman ay nagtungo sa training field. Lumipas ang oras. Alas-sais na nang tuluyan akong umalis sa kampo. Hindi ako dumiretso sa bahay nila. Dumaan muna ako sa mall. May isang bagay akong gustong gawin. Gusto kong makita ang mukha ni Violet kapag nakita niya akong dumating. Kaya bumili ako ng mga paborito niyang pastries. Maingat kong inilagay ang mga iyon sa lalagyan para hindi masira habang nagmamaneho ako. Habang bitbit ko ang mga iyon papunta sa sasakyan, hindi ko napigilang mapangiti. Sigurado akong magugulat siya. At malamang, sisigawan niya ako sa tuwa. “Uncle Arden!” Natawa ako nang mahina sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang sapat nang makita ko siyang masaya. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nila General. Ngunit bago pa man ako tuluyang makababa, may isang bagay akong napansin. Nakabukas ang malaking gate. Huminto ako. Hindi iyon normal. Lalo na’t birthday ni Violet. Dapat ay maraming tao sa loob. Dapat ay may ilaw, ingay, mga sasakyan at mga bisita. Pero tahimik. Masyadong tahimik. Agad akong naging alerto. Iniwan ko muna ang mga pastries sa loob ng sasakyan at maingat na kinuha ang baril ko mula sa compartment. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pero bilang isang sundalo, alam kong hindi ko maaaring balewalain ang kutob ko. Dahan-dahan akong bumaba. Tahimik ang paligid. “General?” Walang sumagot. “Tita Mercedes?” Wala pa rin. “Violet?” Tahimik. Humigpit ang hawak ko sa aking armas habang maingat akong naglakad patungo sa loob ng bahay. Pagkapasok ko sa sala, agad kong napansin ang kaguluhan. May mga pagkaing nakakalat. May mga upuang hindi maayos ang pagkakalagay. Parang may nangyaring kaguluhan. At doon nagsimulang kumabog nang malakas ang dibdib ko. “General!” Mabilis akong naghanap. “Tita Mercedes!” Wala. Hanggang sa mapahinto ako. Nakita ko si Tita Mercedes na nakahandusay sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko. “Tita!” Mabilis akong lumapit ngunit agad kong napagtanto na wala na siyang malay. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo roon. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. “Tita… please…” Pinilit kong manatiling kalmado. Pero nanginginig ang kamay ko. Hindi ko kayang tanggapin ang nakikita ko. “Nasaan si General?” Bigla akong napalingon sa kabilang bahagi ng sala. At doon ko siya nakita. Si General Oliver. Nakahandusay siya sa sahig. “Sir!” Mabilis akong lumapit sa kanya. “Sir! Naririnig ninyo ako?” Bahagya siyang gumalaw. Agad kong tinulungan siyang makabangon nang kaunti. “Arden…” “I’m here, Sir.” Mahina ang boses niya. “Violet…” Napahinto ako. “Sir?” “Hanapin mo…” “Nasaan siya?” “Violet…” “I’ll find her.” Pinilit niyang tumingin sa akin. “Protect… my daughter…” Tumango ako nang paulit-ulit. “I promise.” Iyon ang huling malinaw na salitang narinig ko mula sa kanya. At pagkatapos ay unti-unting nawala ang lakas niya. “Sir?” Wala nang sagot. “General?” Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko napigilang pumatak ang mga luha ko. Para sa akin, hindi lang siya commander. Hindi lang siya General Oliver Catalina. Siya ang taong nagligtas sa akin. Siya ang tumayong ama nang wala na akong sariling pamilya. At ngayon, iniwan niya sa akin ang pinakamahalagang bagay sa buhay niya. Ang anak niya. “I’m sorry, Sir…” Huminga ako nang malalim at pinilit kong tumayo. Hindi pa tapos ang laban. Kung nasaan man si Violet, kailangan ko siyang mahanap. Hinanap ko siya sa buong bahay. Malaki ang bahay nila General at bawat segundo ay parang walang katapusan. “Violet!” Walang sumagot “Violet, it’s me!” Patuloy akong naghanap hanggang sa makarating ako sa kusina. May narinig akong mahinang kaluskos. Agad akong huminto. May anino sa isang sulok. Dahan-dahan akong lumapit. Nakahanda ang kamay ko, ngunit nang makita ko kung sino iyon, agad akong natigilan. Si Violet. Nakaupo siya sa sulok, nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tainga. Nanginginig ang buong katawan niya. “Violet…” Napaatras siya. “Huwag!” Napahinto ako. “Don’t hurt me please!” “Violet, ako ’to.” “Please! Huwag!” Umiiyak siya. Hindi niya ako makilala dahil sa takot. Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko at lumayo nang kaunti para hindi siya lalong matakot. “Violet, look at me.” Umiling siya. “It’s Uncle Arden.” Bahagya siyang tumingin sa akin. “Uncle… Arden?” Tumango ako. “Yes. Ako ’to.” Unti-unti akong lumapit. “Hindi kita sasaktan.” Nangingilid ang luha sa mga mata niya. “Uncle…” “I’m here.” Bigla siyang tumakbo papunta sa akin. Agad ko siyang sinalo at niyakap. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin habang patuloy siyang umiiyak. “Uncle…” “I know.” “Natakot ako…” “I’m here now.” Hindi ko alam kung paano ko siya poprotektahan mula sa lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa mga magulang niya. Pero may isang bagay akong sigurado. Hindi ko siya iiwan. Dahil iyon ang huling bilin sa akin ni General Oliver. At dahil mula sa araw na iyon, hindi na lamang ako magiging sundalo niya. Ako na ang magiging sandalan ni Violet. Hinaplos ko nang marahan ang buhok niya habang patuloy siyang nakayakap sa akin. “I’m not going anywhere, Violet.” Mahina siyang sumagot habang umiiyak. “Promise?” Napapikit ako sandali. “Promise.” At sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari, naramdaman kong bumigat ang responsibilidad sa mga balikat ko. Hindi dahil natatakot ako. Kundi dahil alam kong simula ngayon, kailangan kong maging matatag para sa kanya. Para sa anak ng lalaking itinuring kong ama. At hinding-hindi ko hahayaang maranasan muli ni Violet ang pakiramdam na mag-isa siya sa mundo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Heartless Don's Angel

read
78.8K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.9K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
12.6K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K
bc

In Bed With Kuya Red

read
47.2K
bc

DESIRING THE BADBOY (SSPG/ Dark Romance)

read
156.7K
bc

Kuya Andrew

read
74.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook