(MILA YSHNA ORDONEZ’S POINT OF VIEW) NAG-I-IMPAKE ako ng mga gamit ko ngayon, babalik na kasi ako sa mga magulang ko at aalis na sa bahay ni Seth. Natapos na ang annulment ng kasal namin at naaprubahan ito ng korte. Napunta kay Seth ang custody ng anak namin at binigyan ako ng visitation rights. Kahit na ang sinabi ni Seth na dahilan kung bakit kami naghiwalay ay ang pambabae niya, nakitaan pa rin ako ng mali sa korte. Nalaman nang korte na nagkaroon ako ng affair, ako ang naunang nanloko at ‘di s’ya. Nasaktan ko masyado si Tyrone at ang tanging aasahan ko na lang ay si Seth na maayos na magpapalaki sa kaniya. “Mila,” tawag ni Tita Ursula sa akin, Tita na ulit itatawag ko sa kaniya kasi hiwalay naman na kami ni Seth at wala na rin akong mukhang maiiharap sa kanila. “Tita,” sagot ko sa