LIEGH Tunog ng bumukas na pintuan ang gumising sa akin. Napamulagat ako ng makita ko na may lalaking pumasok at may dalang bulaklak na agad lumapit sa akin. "Whoah, you're finaly awake, babe," malambing na sabi nito sa akin at inilapag sa gilid ng kama ang bouquet na dala nito. Pamilyar sa akin ang amoy nito pero hindi ko mawari kung saan ko unang naamoy ang pabangong humalo sa hangin sa loob ng silid na kinaroroonan ko. "How are you babe?" tanong ng gwapong lalaki na na-upo sa tabi ko pero dumukwang muna sa akin kaya tumama sa pisngi ko ang mainit na labi nito. Napakurap ako at hindi agad nakapag-salita. Pakiramdam ko na umid ako at mukhang nalunok ko pa yata ang dila ko. "S-sino ka?" puno ng alinlangan at nag-iisip na mga tanong ko. Hindi agad ito nagsalita at tinitigan ako. Wala

