LIEGH Hindi ko masyadong naiintindihan ang palabas. Romance action ang theme ng movie, maganda naman sana ito kaya lang ewan ko ba, hindi talaga kasi siguro fan ako ng mga movies kaya kapag ganitong nanonood ako ay may pagkakataon na nababagot ako. Nilingon ko si Declan, akala ko nanonood pa siya pero na idlip na pala. Tahimik lang kasi ito simula kanina kaya hindi rin ako umimik. Tulad niya para lang din akong tuod na higa sa tabi niya habang nakatutok sa malaking screen ang mga mata. Nahigit ko ang hininga ko ng gumalaw ito at pumulupot ang braso nito sa bewang ko. Mahinang ungol narinig ko mula sa kan'ya at pagkatapos noon ay tahimik na ulit si Declan pero ako naman ang tila hindi mapakali sa tabi niya. Hirap man, inabot ko ang remote at inilipat ko ang palabas. Naghanap ako ng iban