LIEGH Napagod ako ng husto sa pool kanina kaya heto, bagsak ang katawan na nakasalampak ako ngayon dito sa sofa suot ang makapal na puting roba. Malamig kasi ang simoy ng hangin. Fresh na fresh at talaga namang ang sarap sa pakiramdam. Hinayaan akong matulog ni Declan kanina kaya ang resulta ay madilim na ng magising ako. "Liegh, wake up. It's time for our dinner," sabi ni Declan habang panay ang marahang tapik sa braso ko. "Hmmm, hindi naman ako nagugutom eh. Gusto kong matulog kesa kumain," tinatamad na sagot ko. Naramdaman ko na umangat ang katawan ko ng biglang hawakan ni Declan ang mga binti at likuran ko saka naglakad papunta sa kung saan. "Baba mo nga ako," nanliliit ang mga mata na sabi ko dahil biglang umikot ang paningin ko. "Hindi ka pwedeng matulog ng walang laman ang si