LIEGH Tanging ang malamyos na music mula sa stereo dito sa loob ng sasakyan ang naririnig ko habang nagmamaneho si Declan at nakaupo ako sa front seat. Tahimik kami pareho at walang kahit isa sa amin ang nagsalita dahil akala yata niya kanina ay nakatulog na ako matapos na sumandal at pumikit dahil biglang nakaramdam ako ng pagod. Wala namang issue, minsan masarap din pala sa pakiramdam na magkasama kaming ganito at hinahayaan lang na lumipas ang oras na komportable kami sa company ng bawat isa. Napangiti ako ng marinig ang mahinang himig ng asawa ko. Ngayon ko lang nakita at narinig kumanta si Declan habang sinasabayan ang kanta na This I Promise You by NSYNC. Wala tuloy sa sarili na nagmulat ako ng mga mata at napatingin ako sa kan'ya habang nakatitig sa bawat pag-buka ng mapulang

