"Lakad!" sigaw nito sa akin kaya humakbang ako papasok sa yate. Karimarimarim ang tagpong nakita ko dahil naming dugo ang nagkalat sa paligid. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa tama ng baril dahil napasigaw ako ng makita ko kung paano nakadilat pa ang mga mata ng isang lalaki habang umaagos ang dugo mula sa na laslas na leeg. "Madrigal! Lumabas ka d'yan bago ko pa pasabugin ang ulo ng babaeng ito!" sigaw ng lalaking nasa likuran ko. "Declan, huwag kang lalabas! Papatayin ka rin niya!" na alarma na sigaw ko pero natigil ito ng may biglang tumama sa ulo ko at nahilo ako. "Shut up, b***h! Hindi ikaw ang masusunod dito!" Sa nanlalabo na mga mata dulot ng epekto nang mabigat na bagay na tumama sa ulo ko ay na tahimik ako habang sapo ang bahaging ito. Masakit, nanuot ang kirot sa bawat b

