LIEGH Hindi madali ang maging isang ina na sa unang pagkakataon ay tatlo pa tapos wala akong maalala tungkol sa pagkatao ko. Mabuti na lang laging nakaalalay sa amin si mommy Irish at kahit minsan hindi ako pinabayaan ni Declan na mag-isang mag-handle ng lahat. Maswerte ako dahil bukod sa mommy niya ay may mga nurse na nag-nag-aalaga sa mga anak ko sa araw. Malaking bagay na capable ang asawa ko financially dahil hindi ako masyadong nahihirapan lalo na at hindi pala mabilis maghilom ang ang sugat kapag dumaan sa cesarean operation. "Napag-usapan n'yo na ba ni Declan kung kailan n'yo balak pa binyagan ang mga bata?" tanong ni Mommy Irish na tumabi sa akin ng upo dito sa garden. "Hindi pa po mommy," nakangiting sagot ko at umayos ng upo. Napatingin tuloy ako sa mga bulaklak dahil may

