LIEGH Halos mapugto ang hininga ko ng pakawalan ang labi ko ni Declan. Hindi pa siya nakuntento dahil sinunggaban ulit ako matapos makasagap ng hangin habang ang kamay ay patuloy na naglalandas sa katawan ko. "Declan, stop," naghahabol ng hininga na sabi ko at bahagyang tinapik ang balikat nito at itinulak palayo sa akin. Kapag kasi hindi ko siya pinigilan baka bukas, hindi na naman ako makalakad ng maayos. Gigil na naman ang asawa ko at hindi ko rin maikakaila na tulad niya ay natutukso ako. Iniisip ko kasi na baka makasama sa baby namin kapag lagi kaming ganito lalo na tatlo pa naman sila sa loob ng tiyan ko. "Hmm, ang hirap mag-diet sa s*x lalo na kapag ang sexy ng asawa ko," namamaos na bulong ni Declan sa punong tenga ko bago bahagyang kinagat ang earlobe ko kaya napaungol ako. "