"Who are those people, cousin?" tanong ni Christian Keith sa pinsang si Sean Emerson. Isa naman kasi siya sa sumama sa Thailand sa pagkakataong iyon. Kahit sino sa kanila ang sumasama sa mga pinsan nilang may dugong bughaw. At sa pagkakataong iyon ay tatlo silang magpipinsan dahil sila ang bakante. Siya at ang kambal nilang pinsan sa Uncle Brian Niel nila. Sabi nga ng mga oldies ay sila ang grupo ng mga ayaw mag-asawa. Dahil sila-sila ring magpipinsan ang umiikot upang pagtakpan ang isa't-isa sa kanilang mga magulang. "Akala ko ba ay tangkilikin natin ang sariling atin, pinsan?" Tuloy ay nakangising pangangantiyaw ni Luther sa kaniya. "Tsk! Tsk! Heh! Nandito nga tayo sa Thailand, pinsan. Kailangang mag-english tayo upang magkaunawaan ang lahat!" pabiro niyang singhal. Tuloy ang binatan

