bc

The Legend One

book_age12+
363
FOLLOW
1.8K
READ
fated
goodgirl
tragedy
comedy
twisted
bxg
another world
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Living a life you weren't supposed to be, Heralyn came to know her real identity. Overwhelmed by the truth, Heralyn took the courage to embrace it and live by it, but as days pass by, she came to know a bitter truth that destroyed her not-so peaceful anew life.

What was the bitter truth?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Hilda, huwag na huwag mong pababayaan ang anak ko, nagmamakawa ako. Dalhin mo siya sa mundo ng mga mortal at huwag na huwag mong hahayaan na maalis itong anklet na ito sakaniya." pagmamakaawa ng Reyna sa isang tagapag-alaga ng kastilyo. Nasa loob sila ng silid ng Mahal na Prinsesa at ito nalamang ang tanging pagkakataon upang maitakas ang Mahal na Prinsesa sa nagaganap na Digmaan. "Makakaasa po kayo Mahal na Reyna, dadalhin ko po siya sa mundo ng mga tao at aalagaan. Isang karangalan ang matulungan kayo at pagdating ng takdang panahon ay ang kaniyang pagbabalik." Tumango naman ang Mahal na Reyna habang umiiyak at sa huling pagkakataon ay hinalikan niya sa noo ang Mahal na Prinsesa. "MAHAL KONG KAKAMBAL! BWAHAHAHAHA! NARIRITO NA ANG IYONG KAPATID NASAAN KA~ NAMIMISS KO NA ANG AKING PAMANGKINHAHAHA" sambit ng isang malademonyong boses mula sa labas ng silid at base sa tono nito ay mukhang nasa malapit na ito. Nagmadali naman sila. Itinapat naman ng Mahal na Reyna ang kaniyang kamay sa noo ng Mahal na Prinsesa. "Ako, bilang kasalukuyang Reyna ng kahariang ito, sa kapangyarihan kong taglay ay pansamantala kong ipinagsasawalang bisa ang iyong kapangyarihan Mahal na Prinsesa. At sa pagsapit ng iyong ikalabing-anim na kaarawan ay ang pagkabuhay ng iyong natatanging kapangyarihan, at sa pagsapit ng iyong ikalabing-walong kaarawan ay ang iyong pagkaganap na Magus." pagbibigay enkantasyon ng Mahal na Reyna habang nakapikit ito.  Nang biglang may nakakasilaw na linawang ang lumabas mula sa kaniyang palad. Humihingal na iminulat ng Mahal na Reyna ang kaniyang mga mata. "Umalis na kayo Hilda, tatanawin ko itong napakalaking utang na loob, hindi ko makakalimutan ang iyong kabutihan, salamat. Mag-iingat kayo." litanya ng Mahal ng Reyna at nagbagsakan nanamang muli ang mga luha niya. Pumikit muna ito. "Porta de san on na mortala!" pagbigkas ng Mahal na Reyna at unti-unting nabubuo ang isang liwanag na kalauna'y naging isang lagusan. "Paalam anak ko." sambit ng Mahal na Reyna at pumasok na sa lagusan sina Hilda kasama ng kaniyang anak. Bigla naman bumukas ng pabalibag ang pinto. At bumungad doon ang kaniyang kakambal na nakasuot ng mahabang bistida na kulay itim hanggang talampakan, at maraming ma makikintab na kulay itim na palamuti. Hindi makakaila na magkamukha sila. Mahaba ang itim nitong buhok at may makapat itong kolorete na itim sa mukha at kulay pulang labi, habang may hawak itong isang kahoy na pahaba na may hugis ahas sa dulo. Dumako naman ang tingin ng demonyong kapatid sa liwanag na paliit ng paliit. "HINDI!! HINDI ITO MAAARI!!" sigaw nito, nakakarindi ang boses nito. Nagpalabas ng liwanag ang Reyna mula sa kaniyang palad at ibinato ito sa kapatid. "Kahit ano ang gawin mo ay nakatakda ang nakatakda! Magaganap ang dapat na maganap, isang dilag na makapangyarihan ang tatapos sa maitim mong balak!" sigaw ng Reyna. Bigla naman tumawa ng  malademonyo ang kapatid nito "HAHAHAHAHA! Kahit na nakatakda iyon ay mamamatay ka parin ahhhhhh!!!" sigaw ng Reyna ng kadiliman at nagpalabas ng itim na kapangyarihan. Hindi alerto ang Mahal na Reyna kaya hindi niya ito nailagan. At isa pa, malaki ang nabawas sa kapangyarihan niya sapagkat nagkulong siya ng isang kapangyarihan. Kung ordinaryong Elementalya lamang ang Reyna ay maaaring ikinamatay niya ang pagkulong ng isang kapangyarihan. Sa hindi inaaasahang pagkakataon ay natamaan siya sa kaniyang bandang puso. Lumapit naman sakaniya ang kapatid habang siya ay napaupo nalmaang sa sahig. "Hahahahaha, mamamatay kana ngayon, at nasabi na matagal bago ka mamatay, ngunit hindi iyon matutupad dahil papatayin na kita! At sisiguraduhin ko din na isusunod ko ang iyong anak!" pagkatapos banggitin iyon ng Kapatid ay muli nanaman itong tumawa. Ngumiti ang Reyna. "Alam kong nandiyan ka parin Hera, kapatid ko. Nalamon ka lang ng kadiliman. Kapatid ko, mahal kita pero bilang si Hera hindi biling Reyna ng Kasamaan, kaya bago ako mamatay, sisiguraduhin kong magiging mapayapa ang aking nasasakupan. At alam kong babantayan ni Krey ang Prinsesa. Paalam Hera."  Unti-unting ipinikit ng Reyna ang kaniyang mga mata kasabay nito ang pagliliwanag ng kaniyang katawan. At sa liwanag na iyon na nagmumula sa kinalulugaran ng Reyna na  nasa kastilyo ay unti-unting sinasakop ng liwanag ang buong kapaligiran, kasabay nito ay ang pagkamatay ng mga kalaban at nagkakabuhay muli ang paligid na pawang walang labanang nangyari. Bigla naman naglaho ang Reyna ng kasamaan. At ang mga huling salita ng Mahal na Reyna na madidinig sa bawat sulok ng kapaligiran. "Magtayo ng Bagong Simula at sa Bagong Simula ay hanapin niyo ang aking Sinimulan" At kasabay ng paglalaho ng Liwanag ay ang paglalaho ng katawan ng Mahal na Reyna.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.8K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.2K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.0K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.0K
bc

SILENCE

read
381.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook