Maaga pa ay busy na sila sa preparation para sa dinner, ang iba ay pina cater na lang ni Nicole, dahil hindi siya masyadong nagkikilos. Mas mabuti na ang nag iingat, ayaw na niyang mawalan uli ng anak. Nag order din sila ng mga fresh na alimasag, shrimp, pusit at isda, pina grill niya lahat ang seafood. Ano kaya ang magiging reaction ng bessy niya pag nalaman ang tungkol sa kanila ni Lander na matagal nilang inilihin. Naramdaman ni Nicole, na may yumakap sa likoran niya kahit hindi niya lingunin alam niyang ang mister niya iyon sa amoy palang kilalang-kilala niya ito. “Honey magpahinga ka na baka mapano na kayo ni baby, kanina kapa nakatayo at palakad-lakad.” Agad na umikot siya paharap sa asawa at hinalikan ito sa labi, “mister h'wag mo kaming alalahanin ni baby nakakapit na mabuti s