Pumasok sa kanyang silid si Ellion, halos umusok sa galit ang ilong niya dahil sa pakiramdam niya ay pinagtataksilan siya ni Isabel. Naalala niya na ilang beses na itong naglagi sa dalampasigan. Noong first week nga nila halos doon na lamang ito nagtutungong araw-araw, iyon pala ay may ginagawa itong kababalaghan doon. Todo iwas pa sa kanya ang babae, iyon pala may iba naman palang gusto. At talagang taga doon pa sa mismong lugar na iyon ang nagustuhan. Sabagay nakita niya iyong lalaki kanina nakakatayo, hindi katulad niya na pioantod. Matipuno din naman ang katawan, iyon nga lang ay may kaitiman ito. Minsan na niya itong nakita doon alam niya ay boy ito doon sa kabilang resort na katabi ng resort niya. Sabagay kanino pa ba magkakagusto si Isabel kundi sa katulad nitong mahirap d